Saturday, March 17, 2012

Komunikasyon

                                                                    Komunikasyon

           Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito, para nating pinahinto ang mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bias ng komunikasyon. Dahil sapaghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao, nagaganap ng mabuti at di-mabuti na syang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
Daan ng tagumpay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kaunlaran at katahimikan ng daigdig at ng pambansang kaligtasan, ang mabisang komunikasyon. Ang pagtuklas sa ibat ibang larangan pati na ang kalawakan ay saklaw ng komunikasyon ay higit na progresibo kaysa sa mga bansang huli sa bagay na ito.
Ibat ibang kahulugan ng komunikasyon
         Ang komunikasyon ay galling sa salitang ingles na communication, na siyang palasak na ginamit natin sa kasalukuyan, ay hinango sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay karaniwan. Ang pakikipagtalastasan ay pagbubuo sa isipan ng tatanggap ng mensahe ng isang ideya o larawang katulad ng nasa isip ng nagpapadala ng mensahe. Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay mababahagian ng kanilang ideya sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa at pagsulat.
Masasabi ring ito ay isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman njg isang tao sa kanyang kapwa.
P.E.
         Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy, at nagbabago.
Webster
        Ang pakikipagtalastasan ay isang pakikipag-usap, isang pakikipag-unawaan.
Sa kabuuan ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid ay pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa.
Pinagmulan ng komunikasyon
         Noong likhain ng diyos nga tao, nilikha nya ito na makapiling ang iba pang kapwa nya tao. Sa pakikipamuhay nya sa lipunang kinabibilangan ay dapat lamang na sya ay makisalamuha, makibagay, makiisa at makipag-unawaan sa kanyang kasamahan.dahil ditto, pinagkalooban san g matuwid na pag-iisip ng diyos upang makagawa ng makabuluhang bagay. Kailangan nyang maipahayag ang kanyang kaisipansa kapwa kayat pinagkalooban sya ng diyos na makapagsalita upang maipahayag ang saloobin
          Ayon sa mga iskolar, senyas at simbolo ang ginagamit sa pakikipagtalastasan kasama ng pasalitang komunikasyon. Noong una upang maipahayag ng unang tao ang kanyang kaisipan at karunungan ay magsasalita ito.
          Hindi pa noon sumusulat ang tao. Kailangan nila ito upang maitago ang mahalagang tala na kailangang ingatan. Isa ito as pinakakaraniwang paraan ng pkikipagtalastasan sa lath ng larangan.
Ito ay pinakadakilang tuklas ng ta, nagsimula raw ito sa larawang iginuhit ng mga unang tao. Pinanatutunayan ito ng mga larawang nakaguhit sa espanya at kanlurang pransya noong unang panahon.
Ang mga ito ay ginamit nila sa pakikipag-unawaan at pagpapahayag. Ito ay tinawag nilang pictographs-simpleng larawan ng mga bagay na medaling maiguhit o maililok. Sa mga simpleng larawang ito ay nakapagbibigay sila ng kahulugan.Halimbawa sa pagguhit ng pana, nais nilang ihatid aypananakot at labanan.
Mula sa pictographs, ay natuklasan ang paggamit ng mga pinagsama-samang tunog na syang humantong sa pagkakatuklas ng alpabeto. Sa pinagsama-samang tunog ng mag titik ay nakalikha ng ibat ibang salita na ginamit sa pagpapahayag ng saloobin sa kapwa . ganyan nagsimula ang komunikasyong pasulat. Kasunod ng pagsulat ng tao, at pagli limbag. Unang nakilala ng paglilimbag sa tsina noong ika-11 daan taon at kumalat at nagging palasak.
          Ang komunikasyong di-kuryente ay nagsimula sa pagkakatuklas ng telegrapo noong 1840. Pagkatapos nito, lumitaw naman ang telepono noong 1876. Natuklasan at ginamit noong 1895, nagkaroon ng radio noong 1921, hanggang lumitaw ang komunikasyon satilayts(telstar) noong 1963.
Sa kasalukuyan patuloy nag pag-unlad ng komunikasyong dulot hg makabagong teknolohiya at kasabay ng pag-unlad nito ay ang pag-unlad ng kaisipan at pamumuhay ng mga tao sa buong daigdig.
Mga layunin ng komunikasyon
1. Magbigay daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao.
2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapakipakinabang na kaalaman
3. Magbigay diin o halaga sa mga paksa o mga isyung dapat mabigyang-pansin, talakayin at dapat suriin ng mga mamamayan
4. Magbigay ng daan sa ibat ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng mga tao.
Kahalagahan ng komunikasyon
Kapag inalis ito , para na nating pinahinto ang ikot ng mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bias ng kumunikasyon. Dahil sa paghahatiran at pagpapalitan ng mga ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao, nagaganap ang iba’t ibang uri ng Gawain na nagbubunga ng mabuti at di mabuti na siyang pinag mumulan ng pag unlad ng pamumuhay ng tao.
Daan ng tagumpay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kaunlaran at katahimikan ng daigdig at pambansang kaligtasan ang mabisang paraan ng kumunikasyon ay higit pang progresibo kaysa sa mga bansang huli sa bagay na ito.Komunikasyon ang pinagmulan ng kaugnayan, pagbabago at paunlad ng pangkatauhan.

2 comments: