Monday, March 12, 2012

WIKA

KABANATA I
 Wika,Katuturan at Katangian

     Ano nga ba ang wika?
      Ang wika sa simpleng pagpapaliwanag ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.Ito rin ang nagsisilbing instrumento niya tungo sa mabisang interaksyon sa kanyang kapwa.Dahil ito ay isang instrumento hindi matatawaran ang papel ng wika sa paghubog  ng kamalayan ng isang indibidwal upang siya ay lubos na maunawaan sa komunidadna kanyang kinabibilangan.
      Ayon kay Webster(1974,536)ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
      Ayon naman kay Archibald A.Hill sa kanyang papel na What is Language? ang wika ay ang pagunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
      "Ang wika  ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili  at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit  ng mga tao kabilang sa isang kultura."Henry Gleason


       Mula sa dalawang katuturang nabanggit, mahahango natin ang pangunahin at unibersal na katangian ng wika na talakayin sa mga susunod na talataan:


1.May internal na ugnayan
Isa sa mga katangian ng anumang wika sa daigdig ay ang kakayahan nitong makabuo ng pangingusap sa loob ng isang pangungusap.


2.Ang wika ay arbitraryo
Ang bawat  wika ay may kanya kanyang katawagang ginagamit na idinikta ng isang lipunan o uniqueness ng isang salita bagaman magkasalungat.


3.ANG WIKA AY PRODUKTIBO AT LIKAS NA MAPANLIKHA
Ang kakayahan ng isang tao na gamitin  ang kanyang katutubong wika sa pagpapahayag na walang kahalintulad.


4.Ang wika ay isang ponemang-sosyal
Ang pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng tao na nangangahulugang  mas madaling natututunan  ang wika dahil sa paginterak natin sa ating kapwa.


5.ANG WIKA AY KAKAMBAL NG KULTURA
Gaya ng naipaliwanag kailan man ay hindi maipaghihiwalay ang wika sa kultura .Dahil bawat wika sa daigdig ay produkto ng mayamang karanasan ng isang lipunan.
Hal:
Nakasanayan na ng mga katagalugan na sabihing "sasama ka ba sa libing?"sa halip na "makikipaglibing ka ba?


6.ANG WIKA AY TUNOG
Nagkaiba ang kahulugan nito kapag  nag-iba ang tono ng pagkabigkas nito.
Hal:
Tinatawag nating aw-aw-aw ang tahol ng aso.Samantala sa ingles ay whoorff-whoorff-whoorff.Sa madaling salita,bawat wika ay may malaking kaibahan  batay sa kung paano ito binibigyan ng sariling interpretasyon.


KABANATA II
Mga teorya na pinagmulan ng wika


     Malinaw na ipinahahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob ng diyos.Sa mga relihiyoso,walang duda ito.Sa bibliya pa rin isinasalaysay kung paanong mula sa iisang wika ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng ibat-ibang wika.Naaalala mo pa ba ang kwento kay Babel at sa kanyang tore?
     Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo,ang nga iskolar ay nagsimulang mag-usisa  kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika.Dahil dito,lumitaw ang mga sumusunod na teorya ukol sa pinagmulan ng wika.




1.TEORYANG BOW-WOW
Ayon sa teoryang ito ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog sa kalikasan.Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit .Dahil dito ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.Kung kaya ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.


2.TEORYANG POOH-POOH


Unang natutong magsalita ang mga tao,ayon dito,nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit,tuwa,sarap,kalungkutan.takot,pagkabigla at iba pa.


3.TEORYANG YO-HE-HO
Sa teoryang  ito natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.Hindi nga ba't tayo'y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo'y nag-eeksert ng pwersa.Halimbawa nito ay kapag tayo ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay,kapag tayoy sumusuntok o kapag ang ina ay nanganganak.


4.TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
Likas sa mga sinaunang tao ang nga ritwal.Ayon sa teoryang ito,ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalaunay nappapabagu-bago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan.


5.TEORYANG TA-TA
Ayon naman sa teoryang ito ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi  ng pabkatuto ng tao na lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita .tinatawag itong ta-ta na nangangahulugang paalam o goodbye.


6.TEORYANG DINGDONG
Kahawig din ito ng teoryang bow-bow,nagkaroon daw ng wika ang tao ayon sa teoryang ito,sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang  kundi sa mga bagay na nilikha ng tao.








KABANATA III
ANTAS NG WIKA


1.BALBAL
Ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan,tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita.Karaniwang nabubuo sa isang grupo tulad ng mga bakla.
HAL:
parak-pulis
tiboli-tomboy
juding-bakla


2.KOLOKYAL
Mga salitang ginagamit sa pang araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.Nagttaglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin naman maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausapp.
HAL:
lika,naron,antay


3.LALAWIGANIN
Ito ang salitang karaniwang  dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan.Isang palatandaan dito ay ang punto.


tagalog-aalis
ilokano-pumanaw
sebuano-molakaw
bikolano-mahali


4.PAMBANSA
Ginagamit sa mga aklat,babasahin at sirkulasyong pang madla.Ito rin ang wikang ginagamit sa paaralan at sa pamahalaan.
HAL:
aklat,ina,ama,dalaga


5.PAMPANITIKAN
Ito ang pinakamayamang uri.Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang kahulugan  gaya nng idyoma at tayutay.
HAL:
Mabulaklak ang dila
Kaututang dila
Balat sibuyas





No comments:

Post a Comment